1 Pinagpala ang taong hindi namumuhay ayon sa payo ng masasama o sumusunod sa maling halimbawa ng mga makasalanan, at hindi nakikisama sa mga taong mapangutya.
2 Sa halip ay nagagalak siyang sumunod sa mga aral mula sa Panginoon, at kanyang pinagbubulay-bulayan ang mga ito araw-gabi.
3 Siyaʼy katulad ng isang punongkahoy na itinanim sa tabi ng sapa, namumunga sa takdang panahon at hindi nalalanta ang mga dahon. Magtatagumpay siya sa anumang gagawin niya.
4 Ngunit iba ang mga taong masama; silaʼy tulad ng ipa na tinatangay ng hangin.
5 Sa araw ng paghatol, silaʼy parurusahan at ihihiwalay sa matutuwid.
6 Sapagkat pinapatnubayan ng Panginoon ang matutuwid, ngunit ang buhay ng taong masama ay hahantong sa kapahamakan.