Psalms 94
World English Bible (en) → Tagalog Unlocked Literal Bible (tl)
- 1
Yahweh, ang Diyos na naghihiganti, magliwanag ka sa amin.
- 2
Bumangon ka, hukom ng mundo, ibigay mo sa mapagmalaki kung ano ang nararapat sa kanila.
- 3
Yahweh, gaano magtatagal ang kasamaan, gaano magtatagal ang kaligayahan ng masasama?
- 4
Nagbubuhos sila ng pagmamataas at mapanghamon na mga salita, at nagmamayabang silang lahat.
- 5
Wawasakin nila ang iyong bayan, Yahweh; sinasaktan nila ang bansa na nabibilang sa iyo.
- 6
Pinapatay nila ang balo at ang dayuhan, at pinapaslang nila ang mga ulila.
- 7
Sinasabi nila, “Hindi makikita ni Yahweh, ang Diyos ni Jacob ay hindi mapapansin ito.”
- 8
Unawain ninyo, kayong mangmang; kayong mga hangal, kailan kayo matututo?
- 9
Siya na lumikha ng tainga, hindi ba niya naririnig? Siyang naghulma ng mata, hindi ba siya nakakakita?
- 10
Siya na dumidisiplina ng mga bansa, hindi ba niya tinatama? Siya ang nagbigay ng kaalaman sa tao.
- 11
Alam ni Yahweh ang isipan ng mga tao, na sila ay masama.
- 12
Pinagpala siya na iyong tinuruan, Yahweh, siya na tinuruan mo mula sa iyong batas.
- 13
Binigyan mo siya ng kapahingahan sa oras ng kaguluhan hanggang ang isang hukay ang binungkal para sa masasama.
- 14
Dahil hindi iiwanan ni Yahweh ang kaniyang mga tao o pababayaan ang kanyang pag-aari.
- 15
Dahil mananaig ang katarungan; at lahat ng matuwid ay susunod.
- 16
Sino ang babangon para ipagtanggol ako mula sa mga gumagawa ng masama? Sino ang tatayo para sa akin laban sa mga masasama?
- 17
Maliban na lang kung si Yahweh ang aking naging tulong, sa kalaunan, ako ay hihiga sa lugar ng katahimikan.
- 18
Nang sinabi ko, “Ang aking paa ay nadudulas,” ang iyong katapatan sa tipan, Yahweh, ay itinaas ako.
- 19
Kapag ang mga alalahanin na nasa akin ay nagbabadya na tabunan ako, ang iyong kaginhawaan ang nagpapasaya sa akin.
- 20
Kaya ba ng masasamang mga pinuno na makiisa sa iyo, silang mga gumawa ng walang katarungan sa pamamagitan ng alituntunin?
- 21
Sila ay magkasama na nagsasabwatan para kunin ang buhay ng matuwid at kanilang sinsusumpa sa kamatayan ang walang sala.
- 22
Pero si Yahweh ang naging matayog kong tore, at ang aking Diyos ang naging bato sa aking kanlungan.
- 23
Dadalhin niya sa kanila ang kanilang sariling labis na kasalanan at puputulin niya ang sarili nilang kasamaan. Si Yahweh ang ating Diyos ang puputol sa kanila.