Psalms 92
World English Bible (en) → Tagalog Unlocked Literal Bible (tl)
- 1
Ito ay isang mabuting bagay para magbigay ng pasasalamat kay Yahweh at para umawit ng papuri sa iyong ngalan, Kataas-taasan,
- 2
para ipahayag ang iyong katapatan sa tipan sa umaga at ang iyong katotohanan tuwing gabi,
- 3
na may alpa na may sampung kuwerdas at may himig ng lira.
- 4
Dahil ikaw, Yahweh, ay pinasaya mo ako sa pamamagitan ng iyong mga gawa. Aawit ako sa tuwa dahil sa gawa ng iyong mga kamay.
- 5
Napakadakila ng iyong mga gawa, Yahweh! Ang iyong kaisipan ay napakalalim.
- 6
Hindi alam ng malupit na tao, ni maiintindihan ng hangal:
- 7
Kapag sumisibol ang masasama katulad ng damo, at kahit ang lahat ng gumagawa ng masama ay magtagumpay, mananatili silang nasa tiyak na kapahamakan magpakailanman.
- 8
Pero ikaw, Yahweh, ay maghahari magpakailanman.
- 9
Sa katunayan, tingnan mo ang iyong mga kaaway, Yahweh; lahat ng gumagawa ng masama ay nakakalat.
- 10
Itinaas mo ang aking sungay katulad ng sungay ng mabangis na toro; pinahiran mo ako ng sariwang langis.
- 11
Nakita ng aking mga mata ang pagkabagsak ng aking mga kaaway; ang aking mga tainga ay narinig ang katapusan ng aking mga masasamang kaaway.
- 12
Ang mga matutuwid ay yayabong katulad ng puno ng palma; ito ay lalago katulad ng isang sedar sa Lebanon.
- 13
Sila ay nakatanim sa tahanan ni Yahweh; sila ay yayabong sa patyo ng ating Diyos.
- 14
Namumunga sila kahit sila ay matanda na; nanatili silang sariwa at luntian,
- 15
para ihayag na si Yahweh ay makatuwiran. Siya ang aking bato, at walang hindi matuwid sa kaniya.