Psalms 87
World English Bible (en) → Tagalog Unlocked Literal Bible (tl)
Key words
- 1
Ang lungsod ng Panginoon ay naitatag sa banal na mga kabundukan.
- 2
Mas minamahal ni Yahweh ang mga tarangkahan ng Sion kaysa sa lahat ng mga tolda ni Jacob.
- 3
Mga maluwalhating bagay ay sinabi sa iyo, lungsod ng Diyos. Selah
- 4
Binanggit ko ang Rahab at Babilonia sa mga tagasunod ko. Masdan ninyo, may Filistia, at Tiro, kasama ang Etiopia. Ang isang ito ay ipinanganak doon.
- 5
Sa Sion ay sasabihin ito, “Bawat isa rito ay ipinanganak sa kaniya; at ang Kataas-taasan mismo ang magtatatag sa kaniya.”
- 6
Tinatandaan ni Yahweh habang inililista niya ang mga tao, “Ang isang ito ay ipinanganak doon.” Selah
- 7
Kaya sinasabi ng mang-aawit at mananayaw, “Ang lahat ng aking bukal ng tubig ay nasa iyo.”