Psalms 148
World English Bible (en) → Tagalog Unlocked Literal Bible (tl)
- 1
Purihin si Yahweh. Purihin niyo si Yahweh, kayo na nasa kalangitan; purihin niyo si Yahweh, kayo na nasa kaitaas-taasan.
- 2
Purihin niyo siya, lahat kayong mga anghel; purihin niyo siya, lahat kayong mga hukbo ng anghel.
- 3
Purihin niyo siya, araw at buwan; purihin niyo siya, kayong mga nagniningning na bituin.
- 4
Purihin niyo siya, kayong pinakamataas na kalangitan at kayong mga katubigan sa kaulapan.
- 5
Hayaan silang purihin ang pangalan ni Yahweh, dahil binigay niya ang utos at sila ay nalikha.
- 6
Itinatag niya rin sila magpakailanman; nagbigay siya ng utos na hindi magbabago.
- 7
Purihin si Yahweh mula sa mundo, kayong mga hayop sa lahat ng karagatan,
- 8
apoy at yelo, nyebe at mga ulap, malakas na hangin, sa pagtupad ng kaniyang salita,
- 9
mga bundok at mga burol, mga bungang-kahoy at lahat ng sedar,
- 10
mga mabangis at maamong hayop, mga hayop na gumagapang at mga ibon,
- 11
mga hari sa mundo at lahat ng bansa, mga prinsipe at lahat ng namamahala sa lupa,
- 12
mga binata at dalaga, mga nakatatanda at mga bata.
- 13
Hayaang silang purihin ang pangalan ni Yahweh dahil ang pangalan niya lamang ang itinatanghal at ang kaniyang kadakilaan ay bumabalot sa buong mundo at kalangitan.
- 14
Itinaas niya ang tambuli ng kaniyang bayan para sa pagpupuri mula sa kaniyang mga tapat na lingkod, mga Israelita, mga taong malapit sa kaniya. Purihin si Yahweh.