Psalms 118
World English Bible (en) → Tagalog Unlocked Literal Bible (tl)
- 1
Magpasalamat kay Yahweh, dahil siya ay mabuti, ang kaniyang katapatan sa tipan ay magpakailanman.
- 2
Hayaangm magsabi ang Israel, “Ang kaniyang katapatan sa tipan ay manananatili magpakailanman.
- 3
Hayaang magsabi ang sambahayan ni Aaron, “Ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
- 4
Hayaang magsabi ang mga matapat na tagasunod ni Yahaweh, “Ang kaniyang katapatan sa tipan ay manananatili magpakailanman.”
- 5
Sa aking pagdurusa ay tumawag ako kay Yahweh; sinagot ako ni Yahweh at pinalaya ako.
- 6
Si Yahweh ay kasama ko; hindi ako matatakot; anong magagawa ng tao sa akin?
- 7
Si Yahweh ay katulong ko sa aking panig: kaya nakikita ang tagumpay ko sa kanila na napopoot sa akin.
- 8
Mas mabuting kumanlong kay Yahweh kaysa magtiwala sa tao.
- 9
Mas mabuting magkubli kay Yahweh kaysa magtiwala sa mga tao.
- 10
Nakapalibot sakin ang buong bansa; sa pangalan ni Yahweh ay pinutol ko sila.
- 11
Ako ay pinalilibutan nila; oo, ako ay pinalilibutan nila; sa pangalan ni Yahweh ay pinutol ko sila.
- 12
Ako ay pinalibutan nila na parang mga bubuyog; sila ay mabilis na naglaho na parang apoy sa gitna ng mga tinik; sa pangalan ni Yahweh ay pinutol ko sila.
- 13
Nilusob nila ako para patumbahin, pero tinulungan ako ni Yahweh.
- 14
Kalakasan at kagalakan ko si Yahweh, at siya ang nagligtas sa akin.
- 15
Ang sigaw ng kagalakan ng tagumpay ay narinig sa mga tolda ng matuwid; ang kanang kamay ni Yahweh ay nananakop.
- 16
Ang kanang kamay ni Yahweh ay itinaas; ang kanang kamay ni Yahweh ay nananakop.
- 17
Hindi ako mamamatay, pero mabubuhay at magpapahayag ako ng mga gawa ni Yahweh.
- 18
Pinarusahan ako ng malupit ni Yahweh; pero hindi niya ako inilagay sa kamatayan.
- 19
Buksan para sa akin ang mga tarangkahan ng katuwiran; papasok ako sa kanila at magpapasalamat kay Yahweh.
- 20
Ito ang tarangkahan ni Yahweh; ang mga matuwid ay papasok dito.
- 21
Ako ay magpapasalamat sa iyo dahil sinagot mo ako, at ikaw ang naging kaligtasan ko.
- 22
Ang bato na tinanggihan ng mga nagtayo ay naging panulukang bato.
- 23
Ito ay gawa ni Yahweh; kagila-gilalas ito sa harap ng ating mga mata.
- 24
Ito ang araw na kumilos si Yahweh; tayo ay magalak at magsaya.
- 25
Pakiusap, O Yahweh, bigyan mo kami ng tagumpay! Pakiusap, O Yahweh, bigyan mo kami ng tagumpay!
- 26
Pagpapalain siyang dumarating sa pangalan ni Yahweh; pinagpapala ka namin mula sa tahanan ni Yahweh.
- 27
Si Yahweh ay Diyos, at binigyan niya kami ng liwanag; itali ninyo ang handog ng mga panali sa mga sungay ng altar.
- 28
Ikaw ang aking Diyos, at magpapasalamat ako sa iyo; ikaw ang aking Diyos, ikaw ang aking itataas.
- 29
O, magpasalamat kay Yahweh; dahil siya ay mabuti; ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.