Hosea 6
Diodati Bibbia 1885 (it) → Open Tagalog Contemporary Bible (tl)
- 1
Nag-usap-usap ang mga taga-Israel. Sabi nila, “Halikayo! Magbalik-loob tayo sa Panginoon. Sinaktan niya tayo, ngunit siya rin ang magpapagaling sa atin.
- 2
Para tayong mga patay na agad niyang bubuhayin. Hindi magtatagal, at ibabangon niya tayo upang mamuhay sa kanyang presensya.
- 3
Pagsikapan nating makilala ang Panginoon. Siyaʼy tiyak na darating, kasing tiyak ng pagsikat ng araw. Darating siyang parang ulan na magdidilig sa mga lupain.”
- 4
“O Israel at Juda, ano ang gagawin ko sa inyo? Ang pag-ibig ninyo sa akiʼy parang ambon o hamog sa umaga na madaling mawala.
- 5
Kaya nga binalaan ko kayo sa pamamagitan ng mga propeta na kayoʼy mapapahamak at mamamatay. Hahatulan ko kayo na kasimbilis ng kidlat.
- 6
Sapagkat hindi ang inyong mga handog ang nais ko, kundi ang inyong pagmamahal. Mas nanaisin ko pang kilalanin ninyo ako bilang Diyos kaysa sa mag-alay kayo ng mga handog na sinusunog.
- 7
Ngunit tulad ni Adan, sinira ninyo ang kasunduan natin. Nagtaksil kayo sa akin diyan sa inyong lugar.
- 8
Ang bayan ng Gilead ay tirahan ng mga makasalanan at nabahiran ng mga bakas ng mga paang madudugo.
- 9
Ang inyong mga pari ay parang mga tulisan na nag-aabang ng kanilang mabibiktima. Pumapatay sila sa daang patungo sa Shekem, at gumagawa ng maraming nakakahiyang gawain.
- 10
Mga taga-Israel, kakila-kilabot ang nakita ko sa inyo. Sumasamba kayo sa mga diyos-diyosan, kaya naging marumi kayo.
- 11
“Kayo ring mga taga-Juda ay nakatakda nang parusahan. “Nais ko sanang ibalik ang mabuting kalagayan ng aking mga mamamayan.”